top of page
Search

MAHAL KO YUNG MAHAL MO"

  • Ayah Eleuterio (ikee aiees)
  • Oct 18, 2017
  • 2 min read

Di ko nmn ginusto na malagay sa sitwasyon na ito. Di ko rin pinilit na maramdaman sayo. Nagising nalang akong, nahulog na ang puso ko. Ginawa kong supilin ang nadarama, dahil takot akong masaktan. Pero parang tuksong mahirap pigilan. Kahit iwasan kita pagkakataon ay parang nananadya. Bakit ko ipagdadamot sa sarili ko ang maging masaya? pinaka masarap na pakiramdam ang nagmamahal ka.

Ikaw, ako at ang awit nating dalawa, malaya, masaya walang alalahanin basta't tayoy magkasama. Abutin man ng paglubog ng araw kahit dumilim di alintana pumatak man ang ulan. Ngunit madaya ang mundo hindi palaging aayon saiyo.. Ang ngiti ay nabura, napalitan ng patak ng luha.

Hindi ako ang nauna, sa puso mo'y may kahati pala. Ano pala ako saiyo? reserba habang siya ay wala? Ano ba ang matimbang salita o gawa? Ramdam ko ang mga ginawa mo pero iba ang sinasabi ng mga labi mo. Ako ba ang bibitaw? o dapat bang ika'y ipaglaban? Hindi ako duwag kaya ako na ang nagparaya. Hindi dahil isinuko kita ay hindi ako lumaban. Mas pinili ko lang na ako ang masaktan, dahil sa umpisa palang talo na ako sating labanan. Habang pinakikinggan ko ngayon ang mga kantang kinakanta mo sa akin noon.. Naisip ko kung para sakin nga ba ang mga yon?..

Ito lang ang masasabi ko sa taong mahal mo.. "Mahal ko ang Mahal mo" kaya ingatan mo. hawakan mo ang kamay niya dahil kung bibitawan mo ay sasaluhin ko ang mga palad niya. At pag dumating ang araw na hindi mo na sya mahal' siguraduhin mo lang dahil Wala nang bawian. Kung mapagod ka na sa pag intindi sakanya, huwag kang mag alala kailan man hindi ako napagod na Alalahanin sya. Kaya kung mahal mo nga ang taong mahal ko" huwag mo akong bigyan ng rason na bawiin sya sau dahil kung magkakataon, Pagsisisihan mo sa habang panahon.


 
 
 

Recent Posts

See All
MULI NA NAMAN"

Kumupas na mga larawan Dala ng panahon Nilimot na kahapon Manunumbalik ba ngayon? Paano nga ba nagwakas Ang dating nakaraan? Kaya ko bang...

 
 
 
BOY PAPOGI!!"

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima. kaya pa bang bilangin ng mga daliri ko sa kamay? o Kasama na ba pati aking mga paa? Nakaka-ilan kana...

 
 
 

Comentarios


© 2015 by All about Us... Proudly created with Wix.com

  • Google+ Social Icon
  • Facebook Clean Grey
  • Instagram Clean Grey
  • Twitter Clean Grey
bottom of page