top of page
Search

MULI NA NAMAN"

  • Ayah Eleuterio (CrazyEmotera)
  • Feb 17, 2019
  • 1 min read

Kumupas na mga larawan

Dala ng panahon

Nilimot na kahapon

Manunumbalik ba ngayon?

Paano nga ba nagwakas

Ang dating nakaraan?

Kaya ko bang muli

Ang pait na naranasan?

Ang mga luhang dulot niya

Mapapalitan ba ulit ng saya?

O magpapatuloy muli

Sa pagdaloy sa aking mga mata?

Ang noon na binaon

Kasama ng paghilom ng pilat

O ang ngayon na magdudulot

Ng panibagong sugat?

Muling pinakinggan bulong ng puso

Mararanasan ba ulit ang pagsuyo?

Unti unting naniwala sa “Baka sakali’

Huwag lang sanang puso’y may kahati

Ngunit ngiti ay panandalian,

Napalitan agad ng kalungkutan.

Muli ay Bakit ang naging katanungan

Mali na naman ang aking pinaniwalaan.

Muli at muli ako ay iyong sinaktan

Madali ba sayong ako’y paglaruan?

Paniniwalain muli sa isang kasinungalingan

At sasabihing ako ay isang “kamalian”.


 
 
 

Recent Posts

See All
BOY PAPOGI!!"

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima. kaya pa bang bilangin ng mga daliri ko sa kamay? o Kasama na ba pati aking mga paa? Nakaka-ilan kana...

 
 
 

Comments


© 2015 by All about Us... Proudly created with Wix.com

  • Google+ Social Icon
  • Facebook Clean Grey
  • Instagram Clean Grey
  • Twitter Clean Grey
bottom of page