Sa Likod ng Huwad na Larawan
- CrazyEmotera
- Oct 24, 2018
- 1 min read
Sino ka ba tlga??
May kirot sa puso ko
tuwing maalala ka.
Lahat ng bagay na tungkol sayo na sa akin ipinakilala.
dalawang magkaibang tinig pero sa iisang mukha?
ang isay estranghero?
ang isay huwad na hunyango?
pitong taon ng pagmamahal?
O pitong taon ng kalokohan?
ano ba ang katotohanan.. sa likod ng iyong Larawan?
ako ba'y tunay na minahal o ginawang kasangkapan lamang?
Sinong maniniwalang tayo ay magkakilala?
gayong malayo ang agwat nating dalawa.
Iisipin nilang akoy ilusyonada,
dahil imposibleng ang tulad mo
ay mapukaw ng tulad kong dukha.
Kayo ay kilala at may sinasabi sa buhay.
samantalang kami ay salat
at hindi nakaririwasa.
Kayong tinatawag na may gintong kutsara,
At kami naman ay tanso ang kinikita.
Maraming tanong sa aking isipan.
Kung ikaw nga ba tlga iyan
o yung hunyango na mapanlinlang.
Ngunit ang mga ipinakilala mo sakin na iyong katangian
ay hindi masasabing gawa gawa
O imbento lamang.
na ang katalinuhan at talento ay likas.
Hindi ko masasabi na ikaw ay ordinaryo.
O isa sa mga grupo na sinasabing Scam o manloloko.
Dahil naramdaman ko mayroong bahagi
saiyo na totoo.
Sa isang tawag ng Malapit na kaibigan.
Para akong nahulasan.
Nanlamig ang buo kong katawan.
Sapagkat sa kabilang linya daw,
Ay ang totoong Nasa Larawan.
Isang buong buong! tinig ang
nahimigan ko.
Ngunit malayo sa boses na nakasanayan
at kilala ng aking puso.
Nalantad ang totoo!
ang totoong nagmamay-ari ng mga Litrato.
Ngayon ay palaisipan..
Sino ang totoong nasa Likod ng Huwad
na Larawan.
Ano ang iyong pakay?
para ang Damdamin ko ay paglaruan?
At paniwalaing ang kwentong pambata
ay may katotohanan.

Comments