BOY PAPOGI!!"
- Yang An
- Dec 26, 2018
- 1 min read
Isa, dalawa, tatlo, apat, lima. kaya pa bang bilangin ng mga daliri ko sa kamay? o Kasama na ba pati aking mga paa? Nakaka-ilan kana nga ba? Balita ko may bago kana namang biktima. Malamang hindi ka cguro kilala kaya madali mo na namang nabola.
Kamusta pala yung mukang Edukada? Yung palagi mong kasama? Mali mali mali.. Mali pla Yun pa lang palaging maiksi ang palda? Aaahhh..! hindi hindi! hindi yon Alam ko na! yung angkas mo sa motor na parang mawawala ka sa higpit ng yakap niya.. O yun palang tinatawagan mong "Baby kumain ka na ba?" Huwag kang papagutom ha?
Dinaig mo pa yung kantang si Aida, si Lorna o si Fe. Yung koleksiyon mo kasi umabot na ng Bente! Parang yung Zentrum Vitamin C kumpleto mula A hanggang Z.
Nakakalito di ba? buti ikaw sanay na.. Sanay na sanay ka na, Sa kaliwat kanang pagpapaasa! Nakaka "POGI" ba o nakaka Gago ka? Okay Sana kung kasing Gwapo ka ni AGA" kaya lang para kang kanta ng SALBAKUTA!? kz "STUPID" ka mukha ka namang Tanod sa plaza.
Comments