top of page
Search

"IKAW AT ANG MUSIKA"

  • Ayah Eleuterio
  • Sep 13, 2017
  • 1 min read

kailan ko nga ba Unang narinig ang tinig mo? kailan mo nga ba ipinakilala sakin ang tugtuging gusto mo? Ikaw at ang Musika'y pareho.. ang ritmo at, ang liriko lahat ay tumutukoy sayo. Mula sa iyong labi diretso sa puso ko. Bawat titik ay tumitimo sa isip ko. Kahit wala nang himno paulit ulit na sumasatinig sa tenga ko. parang my sariling mundo kung saan ikaw lang at ako. Sumasabay sa musikang saulado na ng diwa ko. Palagi ko nang bukang bibig at inaawit ng puso ko. Ikaw at ang Musikang itinuro mo, Kahit di na uso'y babalik balikan ko. Tulad ng Pagmamahal ko sayong hindi na magbabago. Hinding hindi ko malilimot kahit ilang kanta pa ang mauso. Ikaw at ang Musika ay tulad ng Pag ibig. Kung mali man ang liriko basta nasa tono.. Iyon at iyon parin ang kantang gusto ko.


 
 
 

Recent Posts

See All
MULI NA NAMAN"

Kumupas na mga larawan Dala ng panahon Nilimot na kahapon Manunumbalik ba ngayon? Paano nga ba nagwakas Ang dating nakaraan? Kaya ko bang...

 
 
 
BOY PAPOGI!!"

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima. kaya pa bang bilangin ng mga daliri ko sa kamay? o Kasama na ba pati aking mga paa? Nakaka-ilan kana...

 
 
 

Comentarios


© 2015 by All about Us... Proudly created with Wix.com

  • Google+ Social Icon
  • Facebook Clean Grey
  • Instagram Clean Grey
  • Twitter Clean Grey
bottom of page