Ang Pag-ibig ng "Diyos" sa atin
- Yang An
- Mar 6, 2016
- 2 min read
Walang katulad ang pagmamahal mo. Walang hangang pag-ibig ang inalay sa buong mundo. Kahit madalas ang tao'y nakakalimot saiyo. Kaligtasan parin namin ang inuuna mo.
Si hesus na iyong bugtong na anak, nang dahil sa aming mga kasalanan sa krus ay napahamak. Gayong kay liit lamang na pagsubok
aming kinakaharap pag di kaya ay patalim ang hawak.
Sa bawat pagdaing namin kumpara sa pagtangis mo, Simpleng bagay lamang kami'y agad sumusuko. Mapalad nga kami, dahil di pa man kami dumaraing,
ay sinasagot mo na ang aming pagsamo.
Madalas kaming mga tao ay umaabuso,
nakaka-alala lamang sa tuwing kami'y
makakatanggap ng biyaya mo. Ngunit kapag sagana na at asenso
nakakalimot nang tumawag at magpasalamat saiyo. At sa aming katiting o malaki mang kasalanan. Ang sukli mo parin ay kapatawaran.
Ngunit sa lahat ng aming kakulangan
ikaw parin ang siyang nagpupuno. Pag-ibig mo parin ang ipinararamdam mo
walang basehan kung Ano? o kung Sino?. Basta lahat ng nilikha mo mabuti man o kaaway mo. Tulad nalang noong magnanakaw na pinapasok mo sa iyong paraiso. Buong puso mong tinanggap at pinatawad sa kasalanan nito. Ganyan ang pag-ibig mo sa aming mga tao.
-Ito ang ginawa kong tula ng sumali ako sa Love month tumblr poetry contest ng The 700 Club Asia. Hindi ko inasahan na mapipili ang ginawa ko dahil ang totoo mahina ang tiwala ko sa sarili ko. dahil nasanay ako na ako at ang kaibigan ko lng ang nkaka appreciate ng gawa ko. kaya ng malaman kong nanalo ako sobrang saya ko. ang galing ni LORD! :D ito na atah yung daan pra masabi niya sa akin na magtiwala ako sa ibinigay niya sa aking talento. kaya naman buong puso kong iniaalay ky Lord ang gawa ko, at simula ngayon mas mamomotivate akong gumawa at magsulat magustuhan man o hindi ang gawa ko. :-)
Comentários