top of page
Search

Thank you Teacher

  • Ayah Eleuterio
  • Oct 4, 2015
  • 1 min read

image:ctto

Happy Teacher's Day!!! My Teacher My Hero"

Marami nang Thank you o’ Pasasalamat ang ating narinig para sa ating mga Guro.

Pero nais ko paring ulit ulitin ng taos sa aking puso ang malaking pagpupuri at pasasalamat sakanila.

Hindi po natin mararating at makakamit ang "Success" na mayroon po tayo ngayon kung hindi rin po dahil sa ating mga Mapagmahal , Masisipag at Pasensiyoso/pasensiyosang mga Guro!

Sila “Pangalawa sa ating mga Magulang ang gumabay, nagturo at humubog sa ating talino at kakayahan.

Sa anim (6) na oras o higit pa sa loob ng limang araw, na kasama natin sila na humahalili sa ating mga magulang sa loob ng paaralan.

Sa kanila tayo natuto nang A BA KA DA

Sila kung ituring natin na Pangalawang "INA"

Sa paaralan sila ang sa ati'y kumakalinga nagbibigay din ng

pangaral at kaalaman sa bawat isa.

Natatandaan niyo pa ba kung paano tayo natutong

sumulat, magbilang at magbasa?

Ano ang una niyong iginuhit at kinulayan na sarili niyong gawa?

Ngayon magiging graphics designer ka ba kung hindi dahil sa

kanila?

Naranasan mo bang mag memorize ng multiplication

table at mag solve sa pisara?

Napatayo ka ni titser sa harap ng klase dahil bokya ka,

pero ngayon sa bangko Branch Manager ka na.

Maraming narin patunay at kwento tungkol sa ating mga guro.Sila rin ay mga huwaran at bayani sa kanilang propesyon.Hindi ko na iisa-isahin dahil alam naman natin ang kahalagahan ng ating mga guro sa buong Pilipinas.Kaya isa ako sa maraming sumasaludo at humahanga sa ating mga iginagalang na GURO! kaya muli ay walang katapusang PASASALAMAT.. sa inyo. Mabuhay ang mga Guro!


 
 
 

Recent Posts

See All
MULI NA NAMAN"

Kumupas na mga larawan Dala ng panahon Nilimot na kahapon Manunumbalik ba ngayon? Paano nga ba nagwakas Ang dating nakaraan? Kaya ko bang...

 
 
 
BOY PAPOGI!!"

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima. kaya pa bang bilangin ng mga daliri ko sa kamay? o Kasama na ba pati aking mga paa? Nakaka-ilan kana...

 
 
 

Comments


© 2015 by All about Us... Proudly created with Wix.com

  • Google+ Social Icon
  • Facebook Clean Grey
  • Instagram Clean Grey
  • Twitter Clean Grey
bottom of page