top of page
Search

Pagsubok

  • Ayah Eleuterio
  • Oct 4, 2015
  • 1 min read

Earthquake/Yolanda typhoon

Natatandaan niyo pa ba taong 2013 sa mga buwan ng Setyembre, Oktubre at Nobyembre. Dalawang taon na ang nakalilipas ng magkaroon ng gulo sa Maguindanao at yanigin ng malakas na lindol ang probinsya ng Bohol at Cebu at hagupitin ng super typhoon Yolanda ang kabisayaan. Magkakasunod na pagsubok ang kinaharap ng pilipinas noong taon na iyon. ano nga ba ang pahiwatig ng mga ito meron nga bang dapat sisihin? (narito ang tulang ginawa ko balik tanaw noon)

Marahil tulad ko, kayo rin ay nagtatanong

Bakit kaya tayo'y sinusubok ng pagkakataon?

katatapos pa nga lamang ng Gulo at Lindol

Ngunit eto na naman tayo sa panibagong hamon.

Kay Lupit naman ng panahon

Dahil sa malaking Alon sa isang iglap Bayan ay nilamon,

Pati mga puno'y lagas ang mga dahon.

At ang mga tao’y nawala ang hinahon.

Walang dapat sisihin, walang may pagkakasala

Marahil may sapat na dahilan ang ating Amang Lumikha

Siguroy humihina na ang ating paniniwala.

kaya tanging “DASAL” na lamang ang pinaka mabisa.

Marahil daan din ito para sa pagkakaisa

daan para sa puso ng bawat isa, na buksan para sa kapwa nila

Daan din ito para sa pananalig natin sakaniya "

Ano mang Relihiyon, O iba man ang paniniwala

Ang mahalaga'y sama sama sa muling pag bangon ng ating bansa.


 
 
 

Recent Posts

See All
MULI NA NAMAN"

Kumupas na mga larawan Dala ng panahon Nilimot na kahapon Manunumbalik ba ngayon? Paano nga ba nagwakas Ang dating nakaraan? Kaya ko bang...

 
 
 
BOY PAPOGI!!"

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima. kaya pa bang bilangin ng mga daliri ko sa kamay? o Kasama na ba pati aking mga paa? Nakaka-ilan kana...

 
 
 

Comments


© 2015 by All about Us... Proudly created with Wix.com

  • Google+ Social Icon
  • Facebook Clean Grey
  • Instagram Clean Grey
  • Twitter Clean Grey
bottom of page